26 November 2008

Asan ang Quiapo ko?

A goal. Lahat tayo meron niyan. We all strive to meet that goal. We invest time, patience and ourselves just to accomplish that something.

Parang trip to Quiapo lang yan. Kung galing ka ng Paranaque lets put it like this ha? You can take an fx to Lawton, and then a jeep to Quiapo. Simple enough? Others can take alternate rides, jeep to Tambo, tapos LRT to Central, and then jeep to Quiapo rin.

Have you ever heard of the story, Trip to Quiapo? Well, the story goes like this.

May tatlong lalake, okay dalawang lalake at isang babae na? Baka sabihin unfair?
Yung first guy, he always take the same route in going to Quiapo, he always repeats the same routine. The second guy, medyo kakaiba, nilalakad niya papuntang Quiapo. At yung Girl naman, sa dumaan pa siya ng Cavite, Laguna, Lahat na dinaan nya, mga singit singit na eskinita, at ang bagsak niya, Trinoma.

Sa tingin niyo, alin sa tatlo ang pinakamabilis makapunta ng Quiapo? Yung first guy? Literally siya nga ang pinakamabilis.

Now, para san yung kwento na yun? Kung kwento nga ba yun Now this time, lets apply it to life. Yung first guy, mabilis siya nakapunta, pero siyempre, isa lang lage ang dinadaanan niya, dahil doon, limited lang ang nakikita niya. Nakapunta nga siya ng Quiapo, pero nung pumunta siya doon, wala siya masyadong nadala. Ang second guy naman, nilakad niya, medyo matagal ng konti sa nauna, pero masmarami siyang nakita kesa sa first guy, sa mga eskinita siya dumaan, at siyempre hindi makikita yon ng nauna. Lastly, yung babae, Malayo na siya, iba't iba na ang mga napupuntahan niya, malayo na siya sa Quiapo. At sa Trinoma siya bumagsak.

In life, marameng challenges, minsan pinipili natin yung madaling paraan para lang matapos agad yung mga "paghihirap" na dinadaanan natin. Tatlo ang klase ng tao daw, at ang panguna ay ung first guy, second ang pangalawang lalake at 3rd si babae.
My professor told us this story, na ang pinakamagaling na tao daw ay ang ikatlo. Bakit?
Napalayo na siya sa dapat niyang pupuntahan, sa iba na siya napunta, pero dahil don, nahanap niya ang sarili niyang "Quiapo", sa Trinoma. Gumawa siya ng sarili niyang "Quiapo".

Ang Quiapo na sinasabe ko ay depende sa bawat isa sa atin, pedeng dito ka masaya, dito mo nakita yung sagot na hinahanap mo.
Okay lang ang maligaw, masmarami kang matututunan na mga daan, wag kang susuko at sa huli mahahanap mo rin ang tamang lugar. Hanapin mo ang "Quiapo" mo.


Argh eto na ang pinakakorni ko na post sa lahat.
Anyway, just want to share this, kahit na hindi ako malinaw magkwento ulit, pagpasensyahan.

25 November 2008

Feels Good, Passion of Christ

I was sitting in a bench this morning, picking up yesterday piece by piece. Reminiscing the memoirs of history. You know, it was good to meet the past again.

Have you ever felt the happiness of finding something you use to have? And after finding it, you suddenly start to remember the times and moments you're with it? Ganun ako kanina. Parang you can see the difference of yourself from then and now. And it feels good.

Tuesday mornings, first class ko p.e. softboll oo malambot na bola. I think we already had a total of 4 meetings already. 2 hours each meeting, and I already have 5 hours of absent. argh Well that's another story, as I was saying this morning before our class was about to start I surprisingly saw my friend back in elementary. ka p.e. ko pala siya? Ngayon ko lang nalaman ba andameng absent kasi e. My first impression was, he didn't changed a bit, literally saying? Okay maybe not literally.

It was good to see him again, same humor, same presence, same old Rocelo.

He had a great welcome greeting to me.

Nakita ko grades mo ha? Bat ganun?

Wew, napakamot naman ako non? Haha. Nagulat rin ako siyempre, kasi paano niya nalaman grades ko diba? He even showed his cellphone were he listed down my grades. waaaat? At totoo nga na alam niya! At that point medyo siyempre nahiya ako, kasi when we graduated elementary, he was the Salutatorian of our class, at siyempre ako.. Tao lang. Haha.

He told me how he was able to get my grades.

Tinignan ko sa class list natin sa p.e. yung student no. mo, tapos sa year book natin hinanap ko yung birthday mo.

When I heard that, na amaze naman ako? Kung ako yon di ko yun maiisip. hang-galing kaya! In our website, you can view your grades online, you just have to log in using your student no. and your birthday, na dapat ako lang ay may alam! Eto ang ayoko sa mga madisdiskarte e.

Anyway, I was sitting in a bench nga diba sabe ko kanina, waiting for him. Just to catch up with time. Nakakamiss c ungas e. At buti na lang, tapos na p.e. namin. Just a friendly advise, wag na wag niyong gagawin unang subject niyo ang p.e.! Kala ko kanina mamamatay na ako e, parang Passion of Christ yung isa't kalahating oras namin kaninang p.e.

Well, kahit na sobrang wasted ako pagpasok ko sa academics ko, ako parin ang nagbenefit dun.
Napakasarap matulog pag ganung status. Enjoy ang klase, at pogi parin ako.
Bwaha :)

Hopefully, next time I can think of a more suitable title.

23 November 2008

We choose You!

Added a new feature, FACE OF THE WEEK.
Let's start it with, RB aka CHIKITOS. Haha, ako nagisep non? Asteeg. :)

It's their time, to shine.
- - if you know what i mean? ^_^

Requests are accepted, just contact me.

Subconsciously Ewan

Have you noticed that all of the last words in my posts ay patanung? Coincidence? Maybe?




* c r a m a r c now uses capital letters. Hooooraaay. ^_^

AS OF 8:22pm

Edited all possible typos. Hopefully?

It's never too late?

the only permanent thing in the world is change.
familiar? hell yea. if i get a peso for every time i hear this, siguro makaka ten pesos na ako! or maybe 11 pesos nman? well anyway don't worry, were not going to talk about kung panu yumaman.

kung dota lang to pede sana. last hit! :D

everyday is a routine if your living my life; magising ng maaga, kumaen ng pansit canton hot chili, maligo, pumasok, magdota, umuwi, magnet @ matulog. if you think i forgot to note down studying, well. ano ba yon? alam mo ba yon? :)
anyway, kung titignan mo, not everyday magigising ka ng same time na tulad ng kahapon, minsan d naman hot chili ung pansit canton ko, pero lage parin akong naliligo hoy. whats my point? maya na, maikutin pa natin. :)

change, most relationships end because of this. change doesn't bite, it doesn't kill either. it's how you use it.
sometimes sa tingin natin na we change for something good, not realizing na others are affected. not everything good is right, and not everything right is good. tama ba grammar? may natututunan rin pala ako sa ischool. too bad it was too late for me when i learned it. marame ng nasaktan. meron ng nasaktan.

sometimes hindi natin napapansin na nagbabago na pala tayo, in my case, i only notice it when someone comments this line; "nagbago kana ha?". we change for the reason na were moving from the past. kung walang pagbabago, eh di walang magbabago? wew

lage ko sinasabe sa sarili ko na magaral nman. lage ko rin sinasabe na magbabago na ako. madaling sabhin, mahirap gawin. i thought that when you say it, your body will act automatically to change. angaling kung ganun noh? dapat pala mag iinvest ka, hindi pera, pero pede rin. d pala pede. haha. mag iinvest ka ng effort.

may ishashare ako, ngaun. habang nag tatype ako, gusto kong magaral! haha. wew, para lang tanga e..
well, gusto ko lang ilabas mga insights ko. napapadalas na ito e.


hope that the readers get something here. its never too late.. i guess?

19 November 2008

Memoirs

late nanaman ako kanina sa ischool. about 6:30am, on the way palang ako to UST. mga pass baclaran plang ako nun. whew. 1st class ko, if ur 15 mins late, next hour kana makakapasok ng room. kabado na ako e.

habang nasa fx ako, i can't help to look at this guy. familiar siya in a way, pareho kameng nasa back seat ng fx. crew cut, muscular, bout the age of 19-25. dinescribe ko lang? d ibig sabhin na nababakla ako sa kanya? asa mehn lagi xang nakangiti. its like every time i take a glimpse at him, nakatingin siya sa labas, tapos merun siyang maliit na ismile. haha d ako bakla amp! natuwa nman ako. syempre, nakakatuwa pag umagang umaga ganun ung greeting face sayo dba? then, bumaba na siya around pedro gil ata?

at that point, super saya ko. parang there's a sign that, this day will be somewhat good?
nagtetext ako nun, don't know kung nahalata ng katxt q na nasa good mood ako, kac ang hyper ng mga reply ko. wahaha. secret na kung sino yooon! ako si Brad Pitt Bessie ngaun umaga yun ang text ko sa kanya. waha. so true nman e, agree? :)

6:45 kalaw na.
as soon i saw the time, there was a big grin on my face. yeaboi. d ako late! surprisingly, may pulis rider wang wang na biglang nagappear from nowhere. common sense, the driver pulled the fx aside.

damn

habang the two was talking. i looked at the pulis rider, at bigla akong natawa! eto na sasabhin ko na nga kung bakit e.
c mamang pulis rider, maihahawig mo ang kanyang looks to a man from somewhere in middle east. yes! bumbayin! wahaha natawa ako, kac nga, motorbike + middle east looks = bumbay na nagogolekta ng utang o bayad. payb siks ( 5 6 ) hoho. may utang pala ang driver ng fx namen? :))
thank God that the conversation of the two was short. and were back on track beybe.

cat!
yep, pusa. inabutan kame ng stoplight. and from the glass window, i saw a cat sa sidewalk. nilalaro ang 'cat' ng isang mama doon. quite funny, he had a stick tied on a string. ginagmit nya para laruin ang 'pusa'.
at that point, d ko na mapigilan na medyo malungkot, kac ganun din gnagawa ko sa pusa nmen dati e. but now, missing in action siya. :)) hope na bumalik na siya. haha.

f a s t f o r w a r d x32

it was 3 in the afternoon, tapos na classes ko. and yea, saktong sakto akong nakapasok kaninang umaga.
medyo nagiba na pakiramdam ko bigla. if you have read my earlier post, tinamaan nnman ako ng emotional confusion. this day was one of those random days. tsk.

when you loved someone, even if a thousand years pass, there will still be that love for that person, even if he denies it.

parang ganyan ako ngayon, okay na sana e. alam ko na dapat gawin. alam mo nman cguro na madaling magbgo ang isip ng isang tao, once na na corrupt na ito ng other elements sa paligid. for me, simple comments from friends can affect the overall decision of the mind. ang korny ko. haha. basta get get mo nlang..

comments on this matter would be really helpful. :)




8:05pm

nakikita ko na wala ng pararatingan ang post ko for this night. sabog na e, alam mo yun? naliligaw nnman ako. haha. well, nashare ko na ang mga pictures na nakuha ko for the day.

pagod, wala ng maisip, magulo, bothered.. God, save me? :))



18 November 2008

Euphoria

"to the world, your nobody. but to someone, your the world."
theology class always starts with a quotation from our prof. and that was the quotation for the day. ang cool nga ng prof namin doon e, kahit medyo mahirap iunderstand ung mga cnasabe nya, dahil sa "manly" voice nya. hoho. iniimagine nya yan o? :)

every tuesday, i only have 3 subjects, 2 academics and yung pe ko.
theology was my first subject for the day. i assumed that it was going to be boring ulit. puro blah blah blah, salvation, blah blah blah sinner, blah blah blah God. no offense a? but to my surprise, ginanahan ako. pretty much the quotation motivated me.

let's see, what does the quotation exactly mean? for me.. not all people think the same, iba iba. some think that to this world they have no business, they worth nothing, alone, miserable. errr, parang emo? yan. gets na? good. which often lead to suicide. maybe for others, maybe for you, the world does not see you. when your gone, the world will not stop for you. pero don't think that way, tagalugin ko na a? hirap e. ganto nlang. para mabuo ang isang bagay, may mga parts ito na nagcocontribute to make it as a whole, it wouldn't be a whole if it has a missing part. tama? pagtumingin ka sa isang math equation, let's say, solution sa trigo. sorry wala akong masabeng topic regarding dun. kung may alam ka man na pinakmahirap na solution, yun nlang. titignan mo ba ng buo, at tapos nun. maiintindihan mo agad? diba hindi? part by part mo siyang iaanalyze, kac maooverwhelm ka sa makikita mo, at parang sasabhin mo na "parang imposible to a?" pero kung titignan mo siya in small details. dun mo plang maaapreciate ung idea.
try to minimize your view with the world, analyze the details, and you might find the "appreciation" that im saying here. get get?


grabeng explanation yun, parang walang nonsense humor haha. makitawa ka nalang ah? im sorry kung medyo parang medyo slight na magulo. magulo dba? just try to pilitin na intindihin. :) sana meron akong someone. wahahaha.

after that, i took my last class.
d na ako nakinig nun, nakakatamad na eh. philippine history, pero at some point, sinusubukan ko parin makinig. pwersado, kung d lang kwela ung isa kong kablock e. pede pala gawing opening prayer ung our father na pakanta? haha. kanina ko lang nalaman? wehe. kinanta nung kablock q e. galing nya. parang rap e. hoho.

kapag may kasama kang friend or someone na nakakenjoy, parang ambilis ng oras? duh
nung pauwi na ako, kasama ko ung isa sa mga kaibigan ko. si arvin nodala, baka kilala mo? yon.
like always, kwento dito kwento don, mga HS days. saya dba? dun ko lang naramdaman ung feeling na pagnagrereminisce ka, yung picture ng time na yun, ang sarap dalhin, nagegets nyo ba? haha. ewan. bxta, at that time, ung emotions mo parang at full. nasa pinaka taas. d emo a? contented?
na at the past, meron kang mga good memories na kasalo mo ung iba, na alam rin nila, both kayo nagkakaron ng connection na dadalhin nyo. well, mahirap tlaga iexplain. kasi ang hirap. umm, barok to a hehe.

maybe, tomorrow. alam ko na. maybe, just maybe.

16 November 2008

Resurgence

A continuing after interruption. rebirth, resurrection, resumption.
6 months ago, someone shot me in my dreams, bringing me to euphoria which led me here, with Soulfly.

the idea was great. pero eventually, nawalan ng time. waw! summer yon pre, pede ba yon? so i left. but now i'm here ulit. so, let's do this again? :)